Philippines, Pasig - Magkahalong lungkot, paghihinagpis at galit ang nararamdaman ng pamilya, kaibigan at mga nakakakilala sah sinapit ng bank employee nah si Mabel Tagala Cama 21-anyos. Ayon sah initial nah imbestigasyon ng mga police mukhang ginahasa muna ang biktima bago ito pinatay at sinunog ang katawan
nya.
Ang biktimang ay nagtatrabaho sa isang sangay ng Malayan Bank sa Makati City at nakatira sa Ortigas Avenue Extension sa Brgy. Rosario, Pasig City.
Natagpuan ang bangkay ni Mabel na sunog ang katawan sa impounding area ng Mega Bus Line.
Nakatira sila sa likod ng naturang lugar.
Bago nalaman ang pagkamatay ni Mabel ay nagtungo pa sa Pasig City Police Station si Mang Reynaldo at ini-report na nawawala ang kanyang anak na dalaga mula pa noong Biyernes matapos itong umalis sa kanilang bahay.
Sa ngayon ay nag-iimbestiga pa ang pulisya para matukoy kung sino ang may kagagawan ng krimen. Subalit naniniwala ang mga awtoridad na hindi
lang isa kundi baka tatlo ang lumapastangan sa dalaga.
Malaki rin umano ang posibilidad na lagi itong nakikita ng mga suspek kapag dumadaan pauwi. Maaaring binabantayan na umano ng mga suspek ang
oras ng pag-uwi ng biktima at posibleng hinarang nila ito saka dinala sa impounding area.
Ang naturang lugar ay nagsisilbi umanong garahe para sa ilang accredited towing services ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)
at ng ilang kompanya ng bus.
Samantala, may ulat din na ilang kalugar ang nakakita nang umuwi si Mabel sa kanilang bahay pasado alas-11:00 ng gabi noong Biyernes.
Kumakatok umano ang dalaga subalit walang nagbubukas sa kanya hanggang sa may dumating na dalawang lalaki at nilapitan si Mabel.
Iyon na ang huling pagkakataon na nakitang buhay si Mabel.
“Gate nako…Nasaraduhan nako…Gate pako antok na antok nako,” naka-post ito sa FB page ng Pasig City Natin na mga huling mensahe ni Mabel sa
kanyang FB messenger bago nawala hanggang sa natagpuang patay na at sunog ang katawan sa impounding area.
Panawagan ng ama ni Mabel na si Reynaldo Cama y Talento, 53-anyos, auto electrician ng Mega Bus Line nah sana makamit ang mabilis nah hustisya para sah namatay
nah anak.
“Humihingi po kami ng tulong kay Pangulong Duterte sa masamang sinapit ng anak namin. Malaki pa pangarap ng anak namin at hindi
ito nararapat sa kanya,” panawagan ni Mang Reynaldo.
(Courtesy: GMA Network News)
No comments:
Post a Comment