PRESIDENT DUTERTE HAS FINALLY MADE A PUBLIC STATEMENT ON THE KIAN DE LOS SANTOS CASE - News Sentry PH

News Sentry PH

NEWS BLOG OF ASIA

Advertisment

Breaking News

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Tuesday, August 22, 2017

PRESIDENT DUTERTE HAS FINALLY MADE A PUBLIC STATEMENT ON THE KIAN DE LOS SANTOS CASE



Pres.Rody Duterte on the Kian delos Santos case: "I saw the tapes (CCTV footage) on TV and I agreed that there should be an investigation. Should the investigation point to liabilities by one, two, or all, there will be a prosecution and they (the policemen involved) have to go to jail if convicted. That I can assure you."


 Pagkakamali ba ng Gobyerno(?)
-
Nung namatay si Kian Delos Santos, nagsimulang mag alsa ang ilang kabataan sa Social media. Ipinapakita nila ang pakikisimpatya kay Kian at ang galit sa administrasyon. Kinikwestyon ang mga napatay at "Biktima" ng war on drugs, at sinasabing mahalaga ang Buhay ng bawat isa.

Pero may napansin ako...
Lagi nilang sinisigaw ang mga biktima ng War on Drugs pero kahit kailan hindi ko nakita na Sinisigaw nila ang mga Biktima ng mga Adik. 

Nung panahon ni Pnoy, talamak ang Rape Slay, kadalasan mga Bata aang biktima ng mga Adik sa kanto, pinukpok ng bato sa Ulo, Sinaksak ng 50×, Sinakal ng Lubid, Hinulog sa Ilog, Tinorture,

Pinagsasapak hanggang mamatay pero ni isa sa mga Biktima ng mga Rape Slay, walang nagbigay Boses para sa kanila, walang sumigaw ng "HUSTISYA PARA SSA MGA NIRAPE NG ADIK!!" at itong rappler nato, naglabas ng Listahan ng mga "Biktima" ng war on drugs na 18 pababa.

Pero walang new Agency ang naglabas ng Listahan ng mga Biktima ng Adik 18 pababa. Napapansin ko, sobra ang pagbatikos sa Administration pero hindi nila napapansin ang Puno't dulo kung bakit inilunsad ang War on Drugs. Hindi nila inisip na kaya inilunsad ito dahil sa Talamak na Bentahan, Abutan ng Droga na pati sa bilibid may Shabu Lab. About kay Kian, marami ang nagsasabi na "Ang pagkamatay nya ang Susi upang magising ang Kabataan." Eh akala ko ba matagal nang gising ang kabataan? At sa totoo lang, sya nga ba ang Susi o meron pa tayong hindi nalalaman? 

Namatay si Kian, Grade 11, Mabait na bata, Pangarap maging Pulis. Pinatay sya ng dalawang Armadong lalaki na "Pulis" pero ang sinisisi ay ang Administrasyon? Sinisisi ang Administrasyon kase si Kian ay pinatay ng Pulis Skalawag? Diba dapat, ang sisihin ay ang mismong Mga pulis na gumawa nun?

Hindi hawak ni Duterte ang Isip mg bawat pulis, pwede nilang gawin ano man ang gustohin nila, pwede silang Mangotong, Mamaril, Mangbangga, Manghuli ng kahit sino ng hindi nalalaman ni Duterte.

Pero ang sinisisi nyo eh ang Administrasyon na naglunsad ng War on Drugs para MABAWASAN ANG DROGA. Hindi nilunsad ang War on Drugs para patayin ang Kung sinong Inosente, oo may nadadamay na Inosente, oh? Kasalanan ba ng Gobyerno kung nagpapakalat kalat sila sa gabi? Kapag wala nang Masisi ang Gobyerno ang babatuhin ng Sisi, Baka mamaya pati the Big One sa gobyerno rin Isisi. 
-
Kabataan, Millennials, patunayan nyo naman na Iba ang Henerasyong ito sa mga Nakaraang Henerasyon, pero sa nakikita ko, History Repeat itself, Namamali na kayo ng Sinisisi, Nagkakamali na kayo ng Pinapanigan, Ito ba ang Curse ng mga Espanyol? Ang Indio Curse? Oo si Kian Inosente pero Pinatay, may magagawa pa ba ang mga Tula at Simpatya nyo sa Social Media, Ang pagre-react ng Angry, Pag co-comment ng "#JusticeForKian", at Pambabatikos sa Administrasyon?

May magagawa ba ang mga yan?
Mababalik ba ang Buhay ni Kian?
Mabibigyan ba nyan ng Pera ang pamilya nya para sa Libing nya?
Makakapag bigay ba yan ng Hustisya?
Okay lang sana kung 1 Post/Comment/Angry Reaction = Justice eh kaso walang nagagawa yan. Kung totoong may Katiwalian sa nangyare hindi nyan mababago ang Isip ng mga Corrupt! 

Nilalabas nyo lang ang Emosyon nyo pero wala namang saysay.
Kung totoo ang Mga pakiki simpatya, tulungan nyo ang pamilya nya, ipanalangin nyong mabigyan ng hustisya ang kamatayan nya at ipaglaban nyo sa Korte ang mga nangyare dahil yon ang mas may Magagawa.
Ang pambabatikos sa Administrasyon ay hindi paraan para mabigyan ng hustisya si Kian.

Ang mga Pulis na may Kasalanan sa pagkamatay nya ang dapat magdusa sa pambabatikos, ang mga Drug Lord ang dapat mawala at hindi ang War on Drugs.
Ang mga Drug Lords, Pushers at Addicts ang Dahilan kung bat may War on Drugs. At kung bakit nadadamay ang mga Inosente. 

Hindi ang War on Drugs ang mali pero ang Drugs mismo at ang nagpapalaganap nito!!!
Kung iisipin mo ang puno't dulo ng mga nangyare...
Kasalanan parin ba ng Gobyerno ang pagkamatay nya?


Credits:( TheThinkingPinoy Blog )

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Responsive Ads Here